Still. Life. It is My Story

Posts tagged “momochan

February Song (My Third Bloggiversary)

It started with just a simple game, that’s the reason why I made a blog here in WordPress…  Hindi ko alam na yung game na yun ang magbabago ng lahat…

more birthdays to come!!!

 Verse I: The Birthday

Biglaan ang nangyari, nag message sa akin si Momochan na nasa store ka nila, Birthday kase niya, hindi ko expected na iinvite mo ako, dun mo unang na share yung wordpress page mo.  I feel so flattered that you are really entrusting me these kind of big things.  January 26, 2009, I started reading your page in WordPress, doon ko na rin naisipang gumawa ng blog sa wordpress, doon isinilang ang dalawang blog ko… ang Melaminecholic at ang Yvarro. 

Verse II: Anonymous Blogger

I’ve posted interesting topics in both blogs, kilala mong ako si Melaminecholic… pero that time, hindi mo alam na ako rin si Yvarro. Maraming nag-comment sa mga posts ko… marami akong nadagdag sa blogroll ko, ang dami kong nakilala sa wordpress… at alam kong marami ring nakakilala sa akin.  You’ve commented to me saying that I am a promising blogger…  Natuwa ako dahil a part of me seems to feel that I finally seen something worth doing… Na kahit na sa simpleng blog lang eh nakita ko yung self-worth ko… Then you asked me to keep it low, That I really don’t have to show who I am in blogosphere, just like what you are trying to do.  I feel awkward about the situation… but I finally agreed, I deleted my real blog… and started posting at Yvarro: My anonymous blog…

 

Verse III: The Masquerade Game

And to make things even complicated… we played a game… I’ll try to be anonymous, and you have to guess who am I.  That was the same time I decided to change the name of my blog from Yvarro to Maskara.  Nakilala ng blogosphere ang apat sa mga Maskara ko: Si Yvar, Esmina, Ravy, at Animse.  Simple lang ang mechanics ng game… Bago matapos ang February, you have to know who I am amongst the new bloggers on wordpress…

 

Pre Chorus: The Revelation

Siguro, I just made things so obvious, o baka matalino ka lang talaga (taragis na ip address yan)… dalawang linggo pa lang ang dumaan nakilala mo na kung sino ako.  Yun yung mga oras na sa tingin ko ay gumawa na nang pangalan ang mga maskara ko sa wordpress… ang hirap bawiin nung mga impression na ginawa ng page na yun.  At sa hindi malamang dahilan, huminto ka na rin sa pag k comment sa page ko.

 

Chorus: How to Save a Life?

Parang tanga lang siguro ako na naghahanap ng atensyon nung mga panahong iyon.  I admit minsan tae lang tong kaibigan mong toh… may mga bagay talaga akong ginagawa na hindi tama… Hindi talaga ako marunong makinig… Hindi kita sinisisi… ang ibig ko lang sabihin eh: Sorry.

Verse IV: Mema

Pagkatapos nun, sinabi mo sa akin ang mga ilang bagay na ayaw mo sa ugali ko sa pagb blog, na minsan mema lang ako, attention freak, epal.  That I have to be careful on every comment that I have to write, hindi ako nakikinig.  You even accused me na marami akong “Anonymous” na blog…

Verse V: When Fire and Ice Collides

You then told me one of the reason why you stopped visiting my blog.  Tae lang naman!!! Para kang girlfriend na pinagselosan ang bestfriend ko?, san ka ba naman ako babaling nun? Parehas kayong mahalaga… Pero suntukan na lang kung papipiliin mo ako… Ang irony lang eh kung paano naipit ang Tubig sa gitna ng Yelo at ng Apoy.

Pre Chorus II: The Missing Day

T’was your birthday… I appreciate that you still invited me.  Then you still made the effort of inviting me to go leave the town for just a weekend pagkatapos nun… Hindi ko alam na yun na yung  last time na magkakasama tayong mag gagala…  Can’t believe na nagtatalo pa tayo bago umalis ang bus galing sa “Vegas”.

Repeat Chorus.

Bridge: Two Years

We parted ways after that, never shared emails, or text messages…  Just heard some news about you from common friends on how you’ve been.  Still checking your blogs every time…

Refrain: Para sa Aking Saranggola:

Siguro kung tatanungin mo ako ngaun kung binitawan ko na ang lubid na magdidikit sa atin, isa lang ang isasagot ko: nilagyan ko na noon ng bubog yung pising nagdudugtong sa ating dalawa… para maging matibay at hindi nila magagawang putulin.  Lumakas man yung hangin… pinipilit pa rin kitang hilahin… pero sadya sigurong mali yung pagkakahawak ko sa pising may bubog; “Kapag masakit na… bitiwan mo na…” yan ang sabi ko sa sarili ko, habang unti unting nasusugatan yung daliri ko kakahila sa iyo pabalik.  Minsan iniisip ko na mas madali nga siguro ang mga bagay bagay kung bibitawan mo na lang… at hayaan ka na lang lumipad palayo…

Coda: Unfailing

Ngunit isa lang ang alam ko: Lilipas ang ilang taon… Magkakaroon ako ng maraming bloggiversary…  Magkakaroon ako ng maraming kaibigan.  Makakakilala ng maraming taong papahalagahan, ang magpapahalaga sa akin, ngunit hinding hindi ko malilimutan na minsan nagkaroon ako ng isang kaibigan na katulad mo… hindi ako mapapagod na maghintay…

Repeat Coda till fades…

Advertisements

To My Momochan.

We were strangers starting out on our journey
Never dreaming what we’d have to go through
Now here we are and I’m suddenly standing
At the beginning with you

sorry kung hindi kita natetext ng madalas.  kung sa maraming pagkakataon, hindi ako nagrereply, kapag kinukumusta mo ako.

pasensiya kung, nararamdaman mong parang hindi ako nag-aalala kung anu nang nangyayari sa iyo.  and totoo, nagw-worry din ako.  pero alam ko naman na ok ka lang naman, kase meron naman nang ibang nagbabantay sa iyo.

you are still loved. (remember?)


No one told me I was going to find you
Unexpected what you did to my heart
When I lost hope you were there to remind me
This is the start

nagkausap na kami ng future kumpare ko.  sabi ko sa kanya, parehas pa rin ang rule.. (pag may umiyak.. sapak.) hehehe..

andito pa rin naman ako para sa iyo eh.  hindi na nga lang ganun kadalas, i know, you are already starting your own family… (and i’m starting to get my own life.) kelangan ko namang isipin ang sarili ko paminsan minsan, yan ang sabi ko sa sarili ko.  masyado na talaga siguro akong naging attach sa iyo.

We were strangers on a crazy adventure
Never dreaming how our dreams would come true
Now here we stand unafraid of the future
At the beginning with you

nagsinungaling ako sa iyo, hindi totoong ganun ako ka-busy: ayaw talaga kitang makita sa mga panahong ito, hindi dahil sa ayaw kong makita na dinadala mo yung blessing ng pagmamahalan ninyo ng “anak” ko, gusto ko lang matira sa alaala ko yung picture mo nung mga oras na madali kitang nasasamang lumabas.  Yang Chow Spicy, saka NaiCha, ice cream cake… (though hindi naman talaga ako fan ng matamis at malamig.

nami miss ko yung paglabas natin at pagpunta sa mall. (kahit madalas kinukuwento mo na hindi mo nasabi sa kanya na magkikita tayo, dahil seloso siyang tunay.)

nami miss ko yung mga times na kinakamusta mo ako, ikaw ang pinaka sincere na taong nangumusta sa akin.

nami miss ko yung boses mo. (pramis) tuwing tinatawag mo akong “dada”.

ipinost ko na rin yng song mo para sa akin. (sorry kung tinanggal ko na yung song na to sa playlist ng phone ko, mas lalo lang akong nagiging emo pag naririnig ko to.)

I knew there was somebody somewhere
Like me alone in the dark
I know that my dream will live on
I’ve been waiting so long
Nothing’s gonna tear us apart

next month or so, you’ll be living a new life… meron ng baby ang little momochan ko.

hindi ko alam kung anung mararamdaman ko para sa iyo. para sa akin.  I know i must be happy for you.  Pero hindi mo maitatanggal yung nararamdaman kong inis somehow (hindi ko man inaamin, nagseselos ako.) masaya ako na meron ka nang kasama for better or for worse… (o nalulungkot ako na binitiwan ko yung love ko para sa iyo.)

And Life is a road and I want to keep going
Love is a river I want to keep flowing
Life is a road now and forever
A Wonderful journey

nandun pa din yung ipinangako ko sa iyo, saka sa lahat ng mga matatalik kong kaibigan, your “dada” will always be here for you.

I’ll be there when the world stops turning
I’ll be there when the storm is through
In the end I wanna be standing
At the beginning with you.