Still. Life. It is My Story

Posts tagged “bestfriend

February Song (My Third Bloggiversary)

It started with just a simple game, that’s the reason why I made a blog here in WordPress…  Hindi ko alam na yung game na yun ang magbabago ng lahat…

more birthdays to come!!!

 Verse I: The Birthday

Biglaan ang nangyari, nag message sa akin si Momochan na nasa store ka nila, Birthday kase niya, hindi ko expected na iinvite mo ako, dun mo unang na share yung wordpress page mo.  I feel so flattered that you are really entrusting me these kind of big things.  January 26, 2009, I started reading your page in WordPress, doon ko na rin naisipang gumawa ng blog sa wordpress, doon isinilang ang dalawang blog ko… ang Melaminecholic at ang Yvarro. 

Verse II: Anonymous Blogger

I’ve posted interesting topics in both blogs, kilala mong ako si Melaminecholic… pero that time, hindi mo alam na ako rin si Yvarro. Maraming nag-comment sa mga posts ko… marami akong nadagdag sa blogroll ko, ang dami kong nakilala sa wordpress… at alam kong marami ring nakakilala sa akin.  You’ve commented to me saying that I am a promising blogger…  Natuwa ako dahil a part of me seems to feel that I finally seen something worth doing… Na kahit na sa simpleng blog lang eh nakita ko yung self-worth ko… Then you asked me to keep it low, That I really don’t have to show who I am in blogosphere, just like what you are trying to do.  I feel awkward about the situation… but I finally agreed, I deleted my real blog… and started posting at Yvarro: My anonymous blog…

 

Verse III: The Masquerade Game

And to make things even complicated… we played a game… I’ll try to be anonymous, and you have to guess who am I.  That was the same time I decided to change the name of my blog from Yvarro to Maskara.  Nakilala ng blogosphere ang apat sa mga Maskara ko: Si Yvar, Esmina, Ravy, at Animse.  Simple lang ang mechanics ng game… Bago matapos ang February, you have to know who I am amongst the new bloggers on wordpress…

 

Pre Chorus: The Revelation

Siguro, I just made things so obvious, o baka matalino ka lang talaga (taragis na ip address yan)… dalawang linggo pa lang ang dumaan nakilala mo na kung sino ako.  Yun yung mga oras na sa tingin ko ay gumawa na nang pangalan ang mga maskara ko sa wordpress… ang hirap bawiin nung mga impression na ginawa ng page na yun.  At sa hindi malamang dahilan, huminto ka na rin sa pag k comment sa page ko.

 

Chorus: How to Save a Life?

Parang tanga lang siguro ako na naghahanap ng atensyon nung mga panahong iyon.  I admit minsan tae lang tong kaibigan mong toh… may mga bagay talaga akong ginagawa na hindi tama… Hindi talaga ako marunong makinig… Hindi kita sinisisi… ang ibig ko lang sabihin eh: Sorry.

Verse IV: Mema

Pagkatapos nun, sinabi mo sa akin ang mga ilang bagay na ayaw mo sa ugali ko sa pagb blog, na minsan mema lang ako, attention freak, epal.  That I have to be careful on every comment that I have to write, hindi ako nakikinig.  You even accused me na marami akong “Anonymous” na blog…

Verse V: When Fire and Ice Collides

You then told me one of the reason why you stopped visiting my blog.  Tae lang naman!!! Para kang girlfriend na pinagselosan ang bestfriend ko?, san ka ba naman ako babaling nun? Parehas kayong mahalaga… Pero suntukan na lang kung papipiliin mo ako… Ang irony lang eh kung paano naipit ang Tubig sa gitna ng Yelo at ng Apoy.

Pre Chorus II: The Missing Day

T’was your birthday… I appreciate that you still invited me.  Then you still made the effort of inviting me to go leave the town for just a weekend pagkatapos nun… Hindi ko alam na yun na yung  last time na magkakasama tayong mag gagala…  Can’t believe na nagtatalo pa tayo bago umalis ang bus galing sa “Vegas”.

Repeat Chorus.

Bridge: Two Years

We parted ways after that, never shared emails, or text messages…  Just heard some news about you from common friends on how you’ve been.  Still checking your blogs every time…

Refrain: Para sa Aking Saranggola:

Siguro kung tatanungin mo ako ngaun kung binitawan ko na ang lubid na magdidikit sa atin, isa lang ang isasagot ko: nilagyan ko na noon ng bubog yung pising nagdudugtong sa ating dalawa… para maging matibay at hindi nila magagawang putulin.  Lumakas man yung hangin… pinipilit pa rin kitang hilahin… pero sadya sigurong mali yung pagkakahawak ko sa pising may bubog; “Kapag masakit na… bitiwan mo na…” yan ang sabi ko sa sarili ko, habang unti unting nasusugatan yung daliri ko kakahila sa iyo pabalik.  Minsan iniisip ko na mas madali nga siguro ang mga bagay bagay kung bibitawan mo na lang… at hayaan ka na lang lumipad palayo…

Coda: Unfailing

Ngunit isa lang ang alam ko: Lilipas ang ilang taon… Magkakaroon ako ng maraming bloggiversary…  Magkakaroon ako ng maraming kaibigan.  Makakakilala ng maraming taong papahalagahan, ang magpapahalaga sa akin, ngunit hinding hindi ko malilimutan na minsan nagkaroon ako ng isang kaibigan na katulad mo… hindi ako mapapagod na maghintay…

Repeat Coda till fades…

Advertisements