Still. Life. It is My Story

February Song (My Third Bloggiversary)

It started with just a simple game, that’s the reason why I made a blog here in WordPress…  Hindi ko alam na yung game na yun ang magbabago ng lahat…

more birthdays to come!!!

 Verse I: The Birthday

Biglaan ang nangyari, nag message sa akin si Momochan na nasa store ka nila, Birthday kase niya, hindi ko expected na iinvite mo ako, dun mo unang na share yung wordpress page mo.  I feel so flattered that you are really entrusting me these kind of big things.  January 26, 2009, I started reading your page in WordPress, doon ko na rin naisipang gumawa ng blog sa wordpress, doon isinilang ang dalawang blog ko… ang Melaminecholic at ang Yvarro. 

Verse II: Anonymous Blogger

I’ve posted interesting topics in both blogs, kilala mong ako si Melaminecholic… pero that time, hindi mo alam na ako rin si Yvarro. Maraming nag-comment sa mga posts ko… marami akong nadagdag sa blogroll ko, ang dami kong nakilala sa wordpress… at alam kong marami ring nakakilala sa akin.  You’ve commented to me saying that I am a promising blogger…  Natuwa ako dahil a part of me seems to feel that I finally seen something worth doing… Na kahit na sa simpleng blog lang eh nakita ko yung self-worth ko… Then you asked me to keep it low, That I really don’t have to show who I am in blogosphere, just like what you are trying to do.  I feel awkward about the situation… but I finally agreed, I deleted my real blog… and started posting at Yvarro: My anonymous blog…

 

Verse III: The Masquerade Game

And to make things even complicated… we played a game… I’ll try to be anonymous, and you have to guess who am I.  That was the same time I decided to change the name of my blog from Yvarro to Maskara.  Nakilala ng blogosphere ang apat sa mga Maskara ko: Si Yvar, Esmina, Ravy, at Animse.  Simple lang ang mechanics ng game… Bago matapos ang February, you have to know who I am amongst the new bloggers on wordpress…

 

Pre Chorus: The Revelation

Siguro, I just made things so obvious, o baka matalino ka lang talaga (taragis na ip address yan)… dalawang linggo pa lang ang dumaan nakilala mo na kung sino ako.  Yun yung mga oras na sa tingin ko ay gumawa na nang pangalan ang mga maskara ko sa wordpress… ang hirap bawiin nung mga impression na ginawa ng page na yun.  At sa hindi malamang dahilan, huminto ka na rin sa pag k comment sa page ko.

 

Chorus: How to Save a Life?

Parang tanga lang siguro ako na naghahanap ng atensyon nung mga panahong iyon.  I admit minsan tae lang tong kaibigan mong toh… may mga bagay talaga akong ginagawa na hindi tama… Hindi talaga ako marunong makinig… Hindi kita sinisisi… ang ibig ko lang sabihin eh: Sorry.

Verse IV: Mema

Pagkatapos nun, sinabi mo sa akin ang mga ilang bagay na ayaw mo sa ugali ko sa pagb blog, na minsan mema lang ako, attention freak, epal.  That I have to be careful on every comment that I have to write, hindi ako nakikinig.  You even accused me na marami akong “Anonymous” na blog…

Verse V: When Fire and Ice Collides

You then told me one of the reason why you stopped visiting my blog.  Tae lang naman!!! Para kang girlfriend na pinagselosan ang bestfriend ko?, san ka ba naman ako babaling nun? Parehas kayong mahalaga… Pero suntukan na lang kung papipiliin mo ako… Ang irony lang eh kung paano naipit ang Tubig sa gitna ng Yelo at ng Apoy.

Pre Chorus II: The Missing Day

T’was your birthday… I appreciate that you still invited me.  Then you still made the effort of inviting me to go leave the town for just a weekend pagkatapos nun… Hindi ko alam na yun na yung  last time na magkakasama tayong mag gagala…  Can’t believe na nagtatalo pa tayo bago umalis ang bus galing sa “Vegas”.

Repeat Chorus.

Bridge: Two Years

We parted ways after that, never shared emails, or text messages…  Just heard some news about you from common friends on how you’ve been.  Still checking your blogs every time…

Refrain: Para sa Aking Saranggola:

Siguro kung tatanungin mo ako ngaun kung binitawan ko na ang lubid na magdidikit sa atin, isa lang ang isasagot ko: nilagyan ko na noon ng bubog yung pising nagdudugtong sa ating dalawa… para maging matibay at hindi nila magagawang putulin.  Lumakas man yung hangin… pinipilit pa rin kitang hilahin… pero sadya sigurong mali yung pagkakahawak ko sa pising may bubog; “Kapag masakit na… bitiwan mo na…” yan ang sabi ko sa sarili ko, habang unti unting nasusugatan yung daliri ko kakahila sa iyo pabalik.  Minsan iniisip ko na mas madali nga siguro ang mga bagay bagay kung bibitawan mo na lang… at hayaan ka na lang lumipad palayo…

Coda: Unfailing

Ngunit isa lang ang alam ko: Lilipas ang ilang taon… Magkakaroon ako ng maraming bloggiversary…  Magkakaroon ako ng maraming kaibigan.  Makakakilala ng maraming taong papahalagahan, ang magpapahalaga sa akin, ngunit hinding hindi ko malilimutan na minsan nagkaroon ako ng isang kaibigan na katulad mo… hindi ako mapapagod na maghintay…

Repeat Coda till fades…

Advertisements

25 responses

  1. gusto ko to ..hahaha

    pang teleserye at dear ate charo.

    ewan ko basta totoo ang bawat tipa ramdam na ramdam ko….

    😀

    26-January-2012 at 8:46 pm

    • heheehe.. buhay ka pa pala.. 😀 hehehe… i’ll take your comment as a compliment.. 😀 haahahaha!! anung bago sau bagotilyo?…

      26-January-2012 at 9:34 pm

      • bago sakin??? wala …

        haaha..

        boring ang buhay ko ..

        muka lang akong artista pero hindi pang showbiz ang aking buhay ..lolz

        3-February-2012 at 3:05 pm

  2. L

    penge ng blog ni repapips nang mahusgahan. hehe. kung kaibigan ka talaga nun, magpaparamdam siya sa’yo sa takdang panahon. pero napaka-taeng dahilan ang iwan ka sa ere dahil lang sa matalik mong kaibigan. ano ‘yun, gf?

    just my two-cents’ shit, ser. hapee 3rd blogee!

    27-January-2012 at 6:25 pm

    • Ahahahaa!!! Lio! Welcome sa page ko! Salamat din sa pag komento. Ang alam ko bloggiversary mo rin di ba?.. Happy anniv sa blog naten! About dun sa kaibigan na yun… wag mo nang intindihan un… tae lang siyang tunay, pero meron talagang mga ganung kaibigan, kahit na anung gawin nilang ka-shittan, kaibigan mo pa rin siya… yung link?… naku hindi ko mase send… nakakahiya naman kung ipagkakalat ko pa kung sino yung mokong na yun…

      Natuwa ako na nadaan ka… seryoso.

      28-January-2012 at 1:08 am

  3. Nakarelate ako sa pagiging anonymous blogger kaya siguro I accidentally found out your blog because of that mask. Waha.

    Happy 3rd yr bloggy! Wow. Achievement yan. 😉

    29-January-2012 at 1:52 am

    • hahaha!! i hate being anonymous.. Nasabi ko na rin yan dun sa pinag uusapan nating blogger, na ang nangyayari kapag naka anonymus ka eh ang minamahal ng ibang mga blogger ay yung mga maskara mo, at hindi ung mismong ikaw..

      thanks for dropping by alla.. 😀 well, promise i’ll try to revive that Maskara: my “anonymus blog” .. but anonymus pa kaya yun kung alam mo na na meron akong totoong website?.. 😀 hehehe…

      3-February-2012 at 6:17 am

      • krn

        Di ba yung maskara mo is ikaw din. There is still resemblance. We can’t be entirely different person from who we really are, at least that’s what I think. Hehe. Maliban na lang if we intentionally changed our character beyond the pseudonym. Haayss dami ko pa opinion, just never mind what I said. lol

        Happy 3rd year! More blogging years to come. 😀

        10-March-2012 at 10:42 pm

        • Hey!! Krn! how do you promoune your name?… (karen?…) hahahha!!! tama.. yung pitong maskara.. sobrang malalayo ang character ila sa isa’t isa… medyo inexagerated ko lang ang mga ugali para magkaroon ng distinction..but still i ako pa rin yun.. siguro.. medyo in a complex way… 😀 dadaan ako sa page o later.. tapusin ko lang yung mga pending blog hoppings ko.. 😀

          15-March-2012 at 3:45 am

  4. hello yvarro! hahaha! Napa-reminisce ako dito ah. di ko tuloy mapigilan magcomment. alam ko halos sabay tayong nagsimula sa wordpress noon. nagpalitan ng mga comments hanggang sa ym… hmmmm… tingen ko kilala ko tong blooger na tinutukoy mo dito, sya din yung dating kinukwento mong bestfriend. nakakalungkot nga na dumaan na ang taon at di na kayo nagkaayos pa. sigurado naman akong ginawa mo ang lahat para di sya mawala, pero ganun e, desisyon nya yun kung gusto nyang mag-stay. naging mabuti kang kaibigan for sure at imposibleng makalimutan nya yun.

    1-February-2012 at 5:26 pm

  5. Tapa!!! Whuuh!!! kunwari ka pa.. hindi ba ikaw yung friend ko na yun?.. 😀 ahahaha!!! bakit kase hindi mo na ulit ako kinakausap?… adik ka!!, bakit nga ba hindi ka na ulit nagb blog?.. kelan mo planu niyang bumalik? .. 😀

    3-February-2012 at 6:21 am

  6. Hello there! Thank you for that sweet comment today! Hope you are all well and HAPPY BLOGAVERSERY !! I’m an anonymous blogger too, for now, but I hope to reveal some more pictures of myself there soon. What about you?

    5-February-2012 at 6:20 am

    • nah!!! i’m no longer anonymous halina… 😀 my pictures are all over my fb… but i would really want to see one of your pictures on one your blog these days… 🙂

      Thanks for dropping by Halina… Half of this post are on Filipino, good thing that you still made time to post a comment… Appreciated!

      5-February-2012 at 8:15 pm

  7. Happy Bloggisversary sa’yo! akal ko eh, pusong bato yung Feb Song mo (di ko knows kung may nakaka alam ng most requested song na yan). Nabasa kong buo yung kanta, maikli pero malaman. Malay mo, kusang bumagsak sa’yo yung saranggola pero this time. Tinangay na ng hangin ang mga bubog. Hehehe.. Ingat!

    P.S. What’s “mema” pala? pasens ya na ha? bano eh.. hehehe. pasensya na rin sa walang kabuluhang comment, “mema” isulat lang. =p

    10-February-2012 at 5:54 am

  8. Uu nga noh?… Tama ka, babagsak na nga lang sila… hindi naman lahat ng napipigtas na saranggola tinatangay tangay lang nga hangin… babagsak at babagsak din ang mga yun, ang tanong lang ay kung saan… Nakakita ka na ba Chevy ng bumabagsak na saranggola?..

    Tama ka ng pagkakagamit ng salitang “Mema”… “Mema sabi lang”, “Mema-post lang” at “Mema-comment lang” 🙂

    Salamat sa pagbati Tseby!!!

    11-February-2012 at 1:36 am

  9. Binabati kita sapagkat tagumpay ka para sa akin. Ipagpatuloy mo pa sana ang paglalahad ng mga kuwento, ang pagbubukas ng iyong buhay para makita ng ibang mga tao. Maging mas maligaya ka pa sana sa mga susunod pang taon nito. :]

    11-February-2012 at 7:46 am

    • ang lalim naman ng iyong pananalita.. 😀 hahaha!!! nabasa mo naman ata yung post.. 😀 salamat sa pagdaan!!! balik ka ulit .. anu ngang name mo?…

      12-February-2012 at 3:34 pm

  10. Sana mas marami ka pang maisulat para sa blog mong ito. Naging malaking bahagi na nga talaga ito ng buhay mo. Maging mas maligaya ka pa sana. :)_

    14-February-2012 at 5:56 pm

    • Naku salamat sa pagdaan Jay! 😀 Tama, malaking bahagi na ng sarili ko ang blogging.. 😀

      15-February-2012 at 5:21 am

  11. Kilala ko kung sino ang kausap mo dito. May natagpuan ako sa Mcdo noong gabing malagihay ang gunita ko dahil sa espiritu ng alak at merong isang tao na nakakausap ko lamang sa mga maskara pero sa pagtatagni ng mga pangyayari ay nabuo ko ang kuwento ng dalawang magkaibigan na sinusubok ang tatag ng relasyon.

    Magkaibang direksiyon ba ang tinatahak o naghahanap lamang ng tamang kalulugaran ang bawat isa?

    Umaasa pa rin ako, balang araw..uupo kayo sa bangko at pag-uusapan ang mga masasaya at malungkot na sandali ng buhay.

    🙂

    17-February-2012 at 3:22 pm

  12. I dunno what to say kuya… Ako ba yung sinasabi mo dito?.. sorry medyo slow ako.. kase sigurado akong hindi pa talaga tayo nagkikita…

    isa pa… hindi na ako mahilig kumain sa mcdo… 😀 hahaha!!!

    21-February-2012 at 11:51 am

  13. Awwww……that is so sweet naman. If blogging has made you a better person and you have shared your thoughts to many people in the virtual world, then your friend had done good sa pagsisimula ng game ninyo 😉

    Sobrang naiintindihan ko ang pagiging anonymous blogger mo. Pareho tayong anonymous. This is already my 4th year blogging at natutuwa ako sa response ng kapwa blogger. Hindi ba’t sobrang nakakataba ng puso na patuloy kang binibisita sa kabila ng pagiging anonymous mo? Kaya dyan ako sobrang natutuwa sa mga blogger na patuloy na bumibisita. Sobrang symbolic kasi yun sa akin.

    Congratulations sa anniversary ng blog mo. Ipagpatuloy mo ang pagbabahagi ng iyong damdamin sa likod ng maskara.

    22-February-2012 at 9:44 am

    • yiihh!! salamat sa pagdaan nortehanon.. 😀 anu nga palang pangalan mo?.. para ma isave kita sa link ko?…

      22-February-2012 at 9:04 pm

  14. Happy 3rd anniversary sa iyong blog. Keep on blogging. Magiging suki mo na rin ako dito.
    Salamat & God Bless!

    22-February-2012 at 10:32 am

    • wow!! thank you slp! 😀 hmn.. dalaw dalaw ka lang.. marami pa akong in store sa mga bisita ko dito.. 😀

      22-February-2012 at 9:09 pm

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s